Wednesday, April 14, 2021

Utang na loob (CH1)

 Anim na taon palang si Franz ay namatay na ang magulang nya dulot ng isang sunog. Nailabas naman sya agad ng mga magulang nya ngunit nung pinilit ng mga ito na bumalik upang magligtas ng gamit, naipit na sila sa loob. Dulot nito, pansamantalang inuwi sya ng kanyang ninang sa Surigao. Sa nakalulungkot na pangyayari, biglang naistroke ang kanyang ninang at namatay. Gawa nang hindi na makontak ang kahit sinong kamag-anakan ni Franz at sa hirap ng buhay sa probinsya, pinaampon nito si Franz sa kaibigan ng kanyang boss na may-ari ng isang Mongolian real estate company at hotel chain na naninirahan kasalukuyan sa Samal. 


Dulot nito, natuto syang mamuhay ng matapang at matatag. Baon nya ang mga aral ng mga namayapa nyang magulang na hindi sumusuko sa problema at ang pagtanaw ng utang na loob sa mga tumutulong sa kanya.

Kahit sabihin natin na inampon sya si Mr. Peljideen, inisip nya na kailangan nyang matuto dahil porke inampon sya nito eh alam nyang hindi mapupunta lahat ng kamayanan nito sa kanya. Sa kasalukuyan, si Franz Christian Darrell Battad ay graduating ng kursong Sports Science sa isang unibersidad ng mga asul sa Davao. Sa edad na mag-21 ay isa na syang taekwondo silver medallist sa PTA. Gwapo, matangos ang ilong, maskulado, malakas ang dating, gym rat, halos kahawig ni Lorenz Lim; yung model ng Lazy Lifter. 

Si Mr. Pel ang umampon sa kanya mula nung pagkabata at naituring na magulang ni Franz.  Patpatin, puti na halos ang buhok at singkit, kakatapos lang ng 61st birthday nito. May kaliitan din ang postura nito na halos kasing tangkad lang ng braso ni Franz. Pinag aral, inalagaan, at tinuring na anak nya si Franz. Kahit aminado naman na bading talaga si Mr. Pel, wala ka naman masasabi sa kabaitan nito. 

Bago paman din ampunin ni Mr. Pel si Franz eh nagsabi na ito na bading ito at may gusto din sa lalake, na hindi pa naiintindihan non ni Franz. Pero naaalala nya na minsan nahuhuli nito ang kanyang papang na may mga lalakeng pinapapasok sa bahay nilang tatlong palapag sa kalibliban ng mga kapunuan sa Samal, na hindi naman nito pinansin.

Lumaki namang normal na bata si Franz, maliban sa pasundot-sundot na episodo na nahuhuli nya yung amain nyang may nilalaplap na lalake. Wala din naman kasi masasabi si Franz - bilang isang bata, binigay lahat ni Mr. Pel ang kailangan nito - pagkain, pananamit, pag-aaral, mga laruan. 

Hanggang sa nakapanik ito ng first year HS. Nagkakaron na sya ng mga bisyo, natuto na sya magsigarilyo. Dulot na rin talaga siguro ng mga tropa ni Franz sa eskwelahan. Ang masaklap pa, natututo na si Franz maging isang homophobe kahit na alam nyang isang bading si Mr. Pel. Minsan pag hihingi pa si Franz ng kahit ano ay tila sya pa ang galit at nandidiri sa matanda, nakakalimutan nya yatang binubuhay sya nito. Hindi na bago yung naririnig ni Mr. Pel na nananapak ng baklang parlorista yung anak-anakan nya sa bayan. Pero wala, ang ending ay nakukunsinti nya lagi si Franz.

Pero kasi alam ni Franz na bading yung papang nya. Kaya ang lokolokong si Franz magmula nung second year high school sya eh nagsimula syang magpalaki ng katawan dahil alam nya yun nalang ang kulang nya-natural na gwapo sya. Iniisip kasi nya non na kung gwapo at malaki ang katawan nya tulad nang inuuwi ng amain nya eh baka sakaling mabilis na ibigay nito lahat ng ninanais nya kahit na nandidiri sya sa aktong kabadingan. 

Bago gumraduate si Franz ng hayskul ay nagsisimulang mapansin na ito ng amain nya gamit ang mga palihim na sulyap na nahuhuli nya, kaya lalo nitong pinaigting ang body training nya - at sumali sa taekwondo team ng kanilang eskwelahan. Nagpatato na din sya ng tribal dahil idolo daw nito si Randy Orton nung bata pa sya - yung simpleng tribal na tattoo sa taas ng likod, biceps, at forearm nya. Di pa nakuntento, nagpahikaw pa ng dalawang hoop sa kanang tainga - sa taas na cartilage at sa earlobe. Nagmuka na tuloy talaga syang yung mga inuuwi ng papang nya.

Ang nakakalungkot, fast forward, kung ano ang bait ni Mr. Pel, ay ganun kasira-ulo si Franz. Kahit sya ay isang sikat na taekwondo jin, may pagkalokoloko ito - naging grabe sya lumustay ng pera ng kanyang amain mula nung gumradweyt ng hayskul. Saan nya ginagastos? Ayun, sa mga babae na dinadala nya sa kung san-sang hotel, sa bar, sa pagbibili ng mga bagay na hindi nya naman kailangan talaga tulad ng mga polo at slacks. Minsan pa pag pinagsasabihan sya ni Mr. Pel eh bastos nya na sagutin ito. Ngunit di ito iniinda ni Mr. Pel kasi anak anakan nya nga.

Ang iniisip ni Mr. Pel, eh baka sakaling magbago pa yung anak anakan nya. Pero may isang parte sa utak nya na dinedemonyo sya. Napapansin nya talaga, na parang sumasarap yata si Franz.

No comments:

Post a Comment

Maangas na pulis

Sinabihan ka na kase mamang pulis, maghintay ka muna ng backup. Wala ka pang pantaas na pumasok dyan sa gubat. Maangas ka kamo. Yan napapala...